Tuesday, February 5, 2008

Review on Ricky Lee's Trip to Quiapo



Sa Trip to Quiapo: Scriptwriting Manual ni Ricky Lee, ibinabahagi ni Ricky lahat ng kanyang natutunan sa loob ng labing walong taong pagsusulat ng scripts sa pelikula at sa TV, pagtuturo ng scriptwriting sa UP at Ateneo, at pagku conduct ng scriptwriting workshops. Ang manual na ito ay librong walang kapareho. Ipinakikita nito step-by-step ang pagsulat ng script, pormula man o alternatibo, mula concept hanggang final draft; pero hindi lang pagharap sa papel ang ibinabahagi nito kundo pagharap din sa buhay.
Gusto mong magsulat at humabi ng kuwento na makikita mong mabigyang buhay sa pinilakang-tabing?

Basahin mo ang Scriptwriting Manual ni Ricky Lee at dadalhin ka nito sa Quiapo kung saan haharapin mo ang iba't-ibang klase ng daan. Ang aklat ay tinuturuan ka kung paano magsulat ng script ngunit hindi nito ginagarantiya na maging magaling kang manunulat. Dahil ipinapakita nito ang katotohanan na maraming kaakibat ang pagiging manunulat sa sine at telebishon. Kung hindi mo kayang sikmurain ang mga banat at pangaalipusta sa mga gawa mo, hinding-hindi ka gagaling. Kung hahayaan mo lang mabulok sa baul ang mga akda mo, walang makakapansin kung meron kang angking galing at walang huhulma sa iyong natatagong talento.

Matapos kong basahin ang libro. Nahimok ako lalo nitong magsulat. Makakatulong kasi ito sa mga nangangarap na maging kagaya ni Ricky Lee.

Ang pagkakasulat nito ay hindi pormal. Para ka na ring kinukuwentuhan ni Ricky Lee. Madaling intindihin at meron pang mga excerpts sa mga pelikulang sinulat niya at sinulat ng iba pang magagaling na scriptwriters. Basahin niyo na at tuparin ang pangarap! Dito ka magsimula, ang pamasahe mo patungong Quiapo.


Ito ay isang review mula sa isang aklat ni Ricky Lee na pinamagatang "Trip to Quiapo". Ang aklat na to ay isang scriptwriting manual. Pero hindi ka tuturuan nito kung paano magsulat ng script. Dahil ang buhay mo ang gagawa nun. Tuturuan ka nito kung ano ang gagawin mo kung ikaw ang may balak na gumawa o sumulat ng isang script, kung ano ang mga diskarte o approach na gagawin mo at ang mga paraan sa pagsulat ng isang mahusay na script.

Nais sabihin ng aklat na to na sa pagsulat ng isang script hindi mo kailangang sumunod sa mga nakagawiang bagay o pamamaraan sa pagsulat ng script. Gumawa ka ng sarili mong pamamaraan at diskarte kung paano mo isusulat ang script. You dont need to do the usual thing and follow the common rules on script writing, you have to find other ways to do it. Learn to explore and experiment para maiba naman. Ayon pa sa libro "Ang rules ay nandiyan para sirain. Nagawa na nila lahat, ba’t mo pa gagawin? Nakarating na sila sa Quiapo, ba’t ka pa pupunta doon?".

Sa pagsusulat ng script kailangang ibuklad mo ang lahat ng alam at mga natutunan mo. Ang natutunan sa pamamagitan ng pag-aaral ay hindi sapat. Kailangan maranasan din natin ito. Experience is the best teacher ika nga nila. Dahil kapag naranasan mo ang isang bagay hindi lng ito tatagus sa utak mo, kundi pati na rin sa puso at kaluluwa mo. Di gaya sa mga bagay na pinagaralan mo lng, gaya ng pagbasa nito, didiretso lamang ito sa ulo, kung minsan pa ngay lalabas lang sa kabilang tenga.

Sa pagsusulat ng script ang pinakakalaban mo ay ang iyong sarili. Huwag mong hayaang lamunin ka ng takot at pagdududa. Magtiwala ka, huwag kang matakot magsulat. Huwag mong sabihin na hindi ka pa handa, dahil kailanman hindi dadating ang panahong handa kana. Mangyayari lamang ito pag sinimulan mo na.

Ang pangunahing kasangkapan ng manunulat maliban sa papel at ballpen ay ang kanyang imahinasyon.Ayon nga kay Vladimir Nabokov. “Literature was not born the day when a boy crying ‘wolf, wolf’ came running out of the Neanderthal valley with a big gray wolf at his heels. Literature was born on the day when a boy came crying ‘wolf, wolf’ and there was no wolf behind him.” Dito pumapasok ang konsepto ng meron at wala. Ang isang pelikula ay hindi kumpleto pag puro mga bagay na meron lamang, dapat andun din ang mga bagay na wala. Para ma exercise ang ating imahinasyon. Dahil pinupunan ng ating imahinasyon ang mga elementong wala sa mga bagay na iyon, at dahil dito lubusan natin itong naiintindihan.

Ngayon, sa mga panahong ito, sobra sa dami ang mga elements, at lahat ay ibinibigay na sa’yo. Dahil wala ka nang panahong gumamit pa ng imahinasyon. Dahil napakarami pang ibang mga elementong naghihintay para bigyan mo ng pansin. Kaya nakaupo ka at tanggap na lang nang tanggap. Nagiging passive ka. Nagugutom ang imahinasyon. Isang trahedya ng ating panahon, hindi na tayo marunong tumingin sa wala. Naiinip tayo pag may blangko.

Ni hindi na tayo marunong makinig. Pag nakikinig tayo ng kanta, kailangang may binubulatlat din tayong magasin, o kaya’y lilinga-linga tayo, o kaya’y babasagin natin ang lahat sa pamamagitan ng pagsasalita. Para tayong TV. Kailangang may commercial gaps. Hindi puwedeng tuluy-tuloy ang isang bagay. Nababalisa tayo. We do not know how to keep still. Kaya hindi tayo natututong mag-focus. Maiksi ang attention span. Palakdaw-lakdaw tayo sa napakaraming bagay pero walang lalim. Walang tutok ang ating isipan.

Pero kung ikaw ay magsusulat kailangan mong tumutok. Kailangan mong mag focus sa iyong mga sinusulat, sa ballpen na hawak mo at sa papel na sinusulatan mo. Ang ma-nunulat ay kailangang tumingin nang tumingin para makakuha ng materyal na konsepto at idea. At ang tunay na pagtingin, sa isang bagay man o pangyayari sa palibot natin, ay iyong klase ng pagtingin na parang mawawala ang mga mata mo, mawawala ang mga kamay mo, at mawawala ang katawan mo. At one ka na sa tinitingnan mo. Parang nagiging isa kayo sa tinitingnan mo.

Then you will notice na umaakyat ka na sa ikalawang level. Transcendental ang tawag dito. Nakagawa ka na ng koneksyon sa sinusulat mo, hanggang sa ni hindi mo na nararamdaman ang koneksyon na iyon.
Ganito rin pag nagsusulat ka. Sa unang level ng pagsusulat ay naroroon pa rin ang mga kamay mo, naroron pa rin ang mga mata mo, naroroon pa rin ang buong katawan mo. Craft ang pinaiiral mo at techniques and devices ang ginagamit mo.
Pero pag nakarating ka na sa ikalawang level, mawawala rin ang mga kamay mo, mawawala rin ang mga mata mo, mawawala rin ang buong katawan mo. At one ka na sa sinusulat mo. Nawala na ang materyal na mundo at nawala ka na rin. Ang kaluluwa mo at ang kaluluwa ng sinusulat mo ang nag uusap.

1 comment:

Little Miss Pinkaholic said...

thanks a lot sa ginawa mo ha...It'll help me to my works. saan ba ko makakabili ng book nito?